Kare kare Filipino Recipe is a famous dish in the Philippines especially during lunch or dinner occasions. It’s a beef stew with mixed vegetables like string or long beans, petsay, eggplant and banana blossom paired with bagoong alamang.
Mga Sangkap:
1 buntot ng baka o pwede ring paa ng baka (mga 1 o ½ kilo), hiniwa ng tig-3 pulgada
1 puso ng saging na saba, hiniwa ng pahaba – pinakuluan ng 15-25 minutos
20 pirasong sitaw, putulin ng tig-2 pulgada
4 katamtamang laki ng talong, hiniwa ng tig-1/2 pulgada
4 pirasong siling haba
3 kutsarang mantika
5 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa-hiwa
1 tasang katas ng achuete
½ tasang bigas, tinusta at dinikdik ng pino
½ tasang peanut butter
3 kutsarang patis
Asin (depende sa kagustuhang timpla)
Konting vetsin o magic sarap
Paminta
1 tasang ginisang bagoong alamang
Paraan ng Pagluluto:
1) Palambutin ang buntot ng baka.
2) Hanguin mula sa tubig at iprito ng bahagya sa mantika. Idagdag ang bawang at sibuyas sa piniritong buntot ng baka.
3) Idagdag ang katas ng achuete at patis. Igisa hanggang lumabas ang mantika ng buntot ng baka.
4) Idagdag ang gulay at kaunting tubig upang magkasarsa. Idagdag ang pinulbos na bigas at peanut butter na tinunaw sa 1 tasang tubig.
5) Timplahan ng asin, paminta at vetsin. Ihain ng may kasamang bagoong alamang.
VARIATION: Pwede ring gumamit ng mama sita’s kare-kare mix bilang kapalit ng tinusta at dinikdik na bigas at atsuete. Minsan kasi, masyadong nakakakunsumo ng oras ang pagtusta at pagdikdik ng bigas.